Kamusta???

Pano ko ba sisimulan ang blog kong ito? Sa dami ng mga ideang pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko at kung pano ko sisimulan.

Hay.. Dahil wala na naman si Amo, eto ako, nagbabasa ng sarili kong blog! Marami rami na rin pala ang naisulat ko... at marami rami na rin pala ang mga kwentong naishare ko sa inyo.

Well, dahil sa pagbabasa ko, ang dami ko palang gustong isulat. Ang dami ko ring gustong sabihin.

Ilang years na nga ba ako dito sa Dubai??? 4 years??? Hmmm... Oo! 4 years na nga ako! Pero, kamusta naman ako matapos ang apat na taon?

Well, still alive and kicking pero hindi pa rin ako ganon ka-successful sa carreer. But nweiz, im still thankful dahil may job ako, aiyt???

So ano nga ba ako matapos ang 4 years??? Hmmm... Isa na akong Active Member ng Singles for Christ and serving them for almost 2 years. Isa na akong Household Leader and soon, magiging member na rin ng Couples for Christ.

Sa work, ako pa rin naman ung Corporate Secretary ng General Manager ng Redha Al Ansari Exchange Est. and after 4 months, eh iiwan ko na rin sila dahil akong magbabalik estudyante na ulit! Taking up AUTOCAD (I don't know which version), Primavera, 3D Max and Photoshop Advance. Bakit??? Kasi gusto ko ng magpalit ng linya! Kahit man lang designer. Sa mundong ito, lahat namn pedeng  pag-aralan pedeng matutununan. Meron nga dib a, nursing graduate pero sa sales sila! Iba naman, care giver ang course pero secretary. Di mo naman alam kung anong mangyayari sa buhay mo, kaya nga may salitang "aral" para pag-aralan ang lahat.

Sa buhay, well, eto isa na nga akong MRS. DAN TORRES.. At soon magiging ina ng maraming anak! Sabi kasi nung nag conduct ng pre-cana namin, "kung ilan ang ibigay sa inyo ng Panginoon, tanggapin nyo. "Sya" ang nagplaplano sa buhay natin, hindi tayo". Well, AMEN TO THAT! Planado na kasi ang buhay natin nasa sa atin na lng kung sa paanong paraan natin tatanggapin.

Sa pag-iisip, hay! I can say na emotional pa rin ako pero more tough and more matured! Sabi nga sa akin nila lilai, "Titang Tita" na raw ang dating ko kapag nag-aadvice o kaya nag sasalita. (Tita kasi tawag namin sa mga Couples for Christ) Well, saka nyo na lang akong tawaging TITA kapag active member na ako ng Couples for Christ at iniwan ko ng tutluyan ang Singles for Christ (for sure, kahit sa panaginip nyo, di ko pa rin iiwan ang Singles!!! Kaya never nyo kong matatawag na tita, unless na lang kung pati kayo nasa Couples na at ibang batch na ng Singles ang tatawag sa akin).

Hayyy.. parang bitin ang blog kong ito, wala kasi sa hulog ang isip ko dahil ilang beses akong naiistorbo ng trabaho ko! (hehehe... sabi ko na nga ba eh! Mag freelance na lang ako! Hmmm, di bale malapit nay un!!!)

Nwei, sa susunod na wento ulit! Dami ksing nasa utak ko at hindi ko na alam kung pano ko pakakawalan ang mga topics o ideyang nasa utak ko. Pahinga muna, mamaya ulit!

God Bless!!!

replace with my logo