A Toast for You!!!
2007-06-27
Ilang taon na rin ang nakakalipas at ilang taon na rin sinubukan ng panahon ang pagiging magkaibigan namin. Sa dami ng kaibigang nagdaan sa akin, masasabi kong "sila" ang kasa-kasangga ko sa lahat! Ilang tawanan na rin ang napagdaanan namin at ilang luha na rin ang nabuhos namin pero andito pa rin kami, magkakasama. Subok na ng panahon!
Syempre, sa mga ganitong klaseng pagkakaibigan, di naman mawawala ang tampuhan! Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng tampuhan pero salamat sa Diyos dahil hindi nya hinayaang mabago ng mga tampuhang iyon ang mga pagsasama namin.
Mommy Jho - ang pinakamadaldal naming ina.. kanino pa ba kami magmamana ng kapasawayan kundi sa iyo lang naman di ba? Maraming salamat sa mga oras na nilaan mo sa akin, sa mga panahong kailangan ko ng taong makikinig sa akin at sa mga panahong sobra akong nagdadalumhati. Salamat sa pasensya at tyagang inilaan mo sa akin noong panahong nag-o-automatic shutdown ako. Salamat sa pag-iintindi at pag-aalaga sa akin. Mame, salamat.. salamat.. love you!
Mama Che - ang red ballpen ng grupo. Ma, kahit nawawala wala ka na sa grupo dahil sa sobrang busy mo na sa trabaho at sa SFC, salamat. Salamat dahil sa isang twag ko lang, ano man ang ginagawa mo, sure akong makikinig ka sa pagsusumbong ko at pag iinarte ko. Mama, miss you na.. Miss ko na rin ang mga nagdaang kasiyahan ng grupong kasama ka. I love you mama.
Ati Ying at Ate Yong - ang aming "kabute".. sa mga advices na nabibigay nyo sa grupo, sa bawat salitang nabibitawan nyo, maraming salamat!
Bunso Thea - the youngest one. Bunso!!! Musta ka na jan? Miss na kita. Miss ko na lambing mo sa akin. Miss ko na ung pagtawag mo para humingi ng advise at kung ano ano pa. Miss ko na ang accent mo! Miss ko na ung mga kalokohan natin. Hay.. it is simply sobrang miss lang kita. Ingat ka palagi jan bunso, miss you.
Kapatid na Lee - the sensitive one.. kapatid! Tila di tayo pinaghihiwalay ng tadhana.. pero kahit magkasama tayo sa Upper, nagpapasalamat akong ikaw ang aalalay sa akin pagdating ng panahon... Salamat at hindi mo ko iniwan ng tuluyan sa ere noong panahon sinusubok tayo ng tadhana. Maraming salamat sa mga advices, sa pakikinig at kahit "minsan" talagang hindi magtugma ang pananaw natin. Salamat. Ingatan mo ang mga anak ko, na ngayon ay anak na natin at sa susunod ay magiging anak mo na lang. Ipagpatuloy mo ang paglilingokod sa "KANYA" na nagbigay sa atin nang pagkakataong magkasama tayo at makilala ang isa't isa. Ingat sis! Labs u!
Anak - Ate Gina - ang "clown" ng barkada... Ni minsan, di ko nakitaang umiyak ang taong ito pero sa unang pagkakataon, ako lang pala ang makakapagpaluha sa kanya. Kaya nga di ko ito makalimut-limutan! Salamat sa mga stories mong nakakatawa, salamat sa mga late reactions mo at salamat sa pagshe-share mo ng kung ano ano. Salamat din dahil isa ako sa mga taong napagsasabihan mo ng hinanakit mo sa mundo. Salamat salamat. Salamat kasi kahit hndi ako kasama sa mga special persons sa buhay mo eh palagi kang nanjan para pawiin ang kalungkutan ko. Salamat sa mga conclusions na napagsasaluhan natin at salamat sa pagsalo ng mga pang-aasar ko sayo. Sarap mo kasing asarin at lambingin.Love you po! Mwah!
At ang huli, sa aking magiging pinsan, Elie - the "crying lady".. Kamusta ka naman? Im sure happy ka naman sa buhay kahit patuloy ka pa ring sinusubok ng pagkakataon. Masaya akong makita kang masaya higit pa sa inaakala ko. Masaya akong nakilala kita at masaya akong nakasama kita. Si Elie na yata ang masasabi kong pinakamalapit na tao sa buhay ko na kahit kaduluduluhan ng kuko ko eh alam nya. Sa tagal na inilagi ko sa lugar na ito, sya ang bukod tanging nakakakilala sa kung sino ako. Ang nakakaalam ng pagkatao ko at mga pinagdaanan ko sa buhay. Salamat dahil hanggang ngayon ay nandyan ka parin sa tabi ko (kahit di ka binigyan ni gina ng pagkakataong makahiga sa kama gaya ng napag-usapan). Maraming salamat sa malalim na pag-iintindi at pag-uunawa sa mga kapasawayan ko. Maraming salamat sa luha at tawanan na ating napagsaluhan. Salamat! Salamat! At kahit masyado akong excited sa birthday mo at sa ilang taon nating pagiging magkaibigan eh hanggang ngayon eh nako-confuse pa rin ako, eh, lovee na love kita (di nga lang halata.. hehehe.. wak ikaw galit ha! Churi .. churi.. confuse lang talaga ako! Mwah! Mwah! Peace na tayo!)
Sa ORIGINAL HOUSEHOLD KO, maraming salamat sa inyo. Miss ko na kayo kaya ako nakapagsulat ng ganito. MISS ko na ang mga panahong magkakasama tayong nagpupuyat, nagko-coffee, at nagkwekwentuhan. Miss ko na ang laglagan natin at asaran natin. Ang mga kaibigan kong alam kong thru thick and thin eh di ako iiwanan sa ere. Miss ko na talaga kayo..


