I LOVE YOU Daddy Dan!

Sa dami ng kaganapan na naganap sa akin nitong nagdaang araw.. pangit man o maganda, masaya akong nagdaan ang kahapon sa buhay ko dahil kahapon na yata ang pinakamasayang araw na nagdaan sa akin nitong isang linggong nagdaan!

Pero bago simulan ang kwento ko kung bakit sobrang saya ko, sana, matapos nyong basahin ang blog kong ito dahil inuunahan ko na kayo, masyado kasi syang mahaba. Please bear with me.

Papauwi ako ng bahay galling opisina nang tumawag ako sa Pilipinas:

Ako:     Hello? Daddy! Kamusta? Anong gawa mo?

Daddy: Eto nagtotong-its

Ako:     So nasa labas ka? Sinong tao sa bahay?

Daddy: Sina Dong at angel. Bakit kakausapin mo?

Ako:     Opo sana eh.

Daddy: Saglit

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Daddy, siguro, tumayo, naglakad hanggang sa naiabot ang telepono sa mga bata.

Dong:   Hello ate!

Ako:     O! Sino ‘to?

Dong:   Si Dong to.

Ako:     O dong, kamusta? Kamusta ang schooling mo?

Dong:   Ok lang ate. Ate may hihingin akong favor sayo.

Ako:     (Kinakabahan dahil ang favor na un eh pabili nanaman) Ano un?

Dong:   Naalala mo ung celfon na colored na iniwan mo dito? Kanino na un?

Ako:     Sa ate mutya mo. Kinuha nya eh, ipinalit sa akin un 3310

Dong:   Ganon ba?

Maya maya may batang sumisingit.

Angel:   Mommy Eriz! Si Tita Mutya may bagong shelfon galing kay ninong owen.

Ako:     Talaga? Kamusta naman ang baby ko?

Angel:   Mommy, nung baby ka pa kay Lola Mommy ka lumabas?

Ako:     Opo

Angel:   Nakita mo ba ako nung baby ako?

Ako:     Opo. Ako po kaya nag-alaga sayo.

Angel:   Talaga?

Ako:     Opo

Angel:   Nakita ko picture mo nung baby ka pa.

Ako:     Kamukha kita di ba?

Angel:   (Nanahimik dahil nag-iisip ata)

Ako:     Eh ikaw san ka ba lumabas?

Angel:   Eh saan pa, eh di sayo! Ikaw mommy ko di ba?

Ako:     Opo

Angel:   Si Daddy Dan nasan?

Ako:     Nasa bahay

Angel:   Eh nasan ka po ba?

Ako:     Pauwi ng bahay

Angel:   Nasa jeep?

Ako:     Hindi po naglalakad

Angel:   Ai poor si mommy kasi naglalakad

Ako:     Kasi po nag-iipon ako pang school mo eh. Kamusta school mo? Madami ka bang stars?

Angel:   Wala po.

Ako:     Ai, bakit wala? Pano kita bibilhan ng madaming shrek at saka ng Harry Potter?

Angel:   Eh kasi wala po akong pasok ngayon kaya wala akong stars.

Ako:     (natatawa) Eh bakit sabi ni Tita Poocihe at saka Tito Jae-jae, maraming ka daw stars sa school?

Angel:   Eh wala na nga, kasi nabura na, kaya wala na akong stars. Naliligo kasi ako kaya nabubura.

Ako:     (lalong natawa)

Angel:   Mommy, uwi na kayo ni Daddy Dan. Nonood tayo ng High Five at saka Harry Potter. Nasan ba kasi si Daddy Dan, kakausapin ko.

Ako:     Nasa bahay po eh.

Angel:   Anong ginagawa sa bahay? Sabihin mo kakausapin ko sya. Please mommy.

Ako:      O sige, mamaya tatawag ulit ako, uuwi muna ako, kausapin mo Daddy Dan ha.

Angel:   Promise mo yan ha.

Ako:     Opo promise. Tatawag kami ni Daddy Dan mamaya.

Angel:   I love you mommy eriz.

Ako:     I love you angel. Kiss ko.

Angel:   mwah! Mwah! Mwah! Mmmwwaaahh! Ayan mommy madami na kiss ko ha.

Ako:     Opo. Cge na po, tawag ako mamaya. I love you. Ba-bye

Angel:   I love you, ba-bye

Syempre, pagdating ko sa bahay, nagpahinga muna nang konti, nakipag-asaran kay Dan, kumain ng tanghalian at nakipag-asaran ulit. Late man naming tinawagan ang anak ko, naging masaya pa rin naman ang pag-uusap.

Kabilang Linya: Hello?

Ako:                 Daddy!

Daddy:              O! bakit?

Ako:                 Daddy, si Angel? Kakausapin kasi ni Dan.

Daddy:              Saglit

Pero habang hinahanap ni daddy si angel, kinakausap muna ni daddy si dan. Nang makita si Angel, eto bungad nya.

Angel:               Tita poochie, nahihiya ako.

Tita Poocihie:    Sige na kausap mo na daddy dan mo

Daddy Dan:      Hello pam!

Angel:               Hello! I LOVE YOU DADDY DAN!

Daddy Dan:      I love you too. Anong gawa mo?

Angel:               (nagkwento na ng nagkwento)

Maya maya..

Angel:              Daddy, may kapatid na  ba ako?

Daddy Dan:      Wala pa eh.

Angel:              Bakit wala?

Daddy Dan:       Eh hindi pa binibigay ni Lord eh

Angel:              Daddy, gusto ko baby girl ha

Daddy Dan:       Bakit baby girl?

Angel:              Kasi tatawag ko sa kanya Boo (at nagkwento pa ulit ng nagkwento hanggang sa mapagod)

Angel:               Ba-bye Daddy Dan! Ba-bye Mommy Eriz! I love you Daddy Dan! I love you Mommy Eriz!

Hay.. nakakaiyak di ba? At ang sarap marinig sa anak mong nagsasabing mahal ka nya! Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko noong mga oras na nagsasabi na mahal ako ng anak ko. Mahal KAMI ng anak ko. Iba ang paki-ramdam. Aside from it. Naramdaman ko kung gaano kami kamiss ng baby ko. Kung gaano ka-welcome si Dan kay Angel at si Angel kay Dan. Masaya akong nakikitang magkasundo ang dalawang mahal ko sa buhay.

Hay.. Cant wait the day na makasama ulit namin ang baby namin.

replace with my logo