GOOD MOOD!!!

Kaninang umaga, naka-received ako ng text mula sa Mommy ko. Nangangamusta sa amin at ni-reply ung tanong ko. Pero ang pinakagusto kong sinabi ng Mommy ko sa text, eto: (di ko na kukumpletohin ha.. hila hila ko lang ‘to don sa mga tinext ni mami)

"Mas nakakatuwang malaman na nag-uusap sila."

"Mas gugustuhin kong magkaron ng binding kahit hindi tunay na mag-ama.."

"Mas ok un love ang ibigay nya para sa bata kaysa sa pangalan.."

"Natutuwa nga ako sa anak mo kanina, maganda gising. Naka-smile paglabas ng kwarto. Hanggang pag-alis ko, walang sumpong. Sana nga laging ganon. Inspired siguro sa pagtawag nyo.."

"Sa baby sister, sabi ko kasi pagmabait siya, bibigyan nyo sya"

Hay.. walang mapaglagyan ang nag-uumapaw kong saya!!! Sa patnubay ng ating Poong May Kapal, ibibigay nya ang ligayang nararamdaman namin ngayon at alam ko, ipagpapatuloy nya kung ano mang saya meron ang family ko.

Alam ko, makakasama ko rin ang anak ko dito.

replace with my logo