...Lipat Bahay...

Halos isang bwan na rin akong nanahimik sa aking pamamahay at ngayon, eto, sa unang blog ko sa bwan ng abril eh panibagong blog site na naman ang ginawa ko. Hay... sumasabay ata ang blog kong ito sa kaganapan ng buhay ko.

Sa Sabado o sabihin na nating Linggo, lilipat na kami ng flat. Oo, "FLAT". Flat na kung saan eh masasabi na naming bahay. Kahit na ba ang hall eh ginawa naming bedspace, eh masasabi pa rin naming bahay na un dahil alam naming magiging komportable na kami don.

Kasabay ng paglipat bahay namin ang  lipat blog ko (obvious naman di ba?  Dahil naka-shoutpost ako ngayon!) From Friendster blog to Blog Drive (na hindi ko masyadong binigyan pansin) to Blog Spot (dahil gusto kong maiba at ngayon eh kakaiba na nga sya dahil hindi na ako maka-log in) at ngayon ang Shout post (na sana gaya ng panalangin ko sa bahay namin eh doon na kami talaga).

Kaya sa mga mahal kong taga-hanga, dito ko na lamang itutuloy ang aking munting pangarap bilang manunulat. Nawa'y mag-enjoy kayo! KissLaughing

replace with my logo