Bakit nga kaya???

Kakatapos ko lang magbasa ng blog ngayon ng aking kaibigang abogado at sa pangalawa sa huli nyang sinulat eh naka-relate ako.

Dati rin akong "feeling" manunulat at madalas pa nga, gusto ko sa aking mga sinusulat eh nag-ra-rhyme. Masaya rin akong nagsusulat at natutuwa akong  makitang sa loob ng isang bwan eh sobra pa sa araw ang mga nasusulat ko.

Ngayon, pang-ilan na sa mga sulatin ko ang blog na ito... ilang beses na akong nagsusulat pero pawing panimula lang ang nagagawa ko. Wala pa sa kalagitnaan ng gusto kong tukuyin eh tinatamad na akong ipagpatuloy ito. Gaya nito...

...Busy Sked...

Bawat blog na mabasa ko eh lahat sila busy sa sked nila.. ako kaya kelan mabi-busy sa buhay? Well, actually, busy rin naman ako pero di ko sinasagad ang oras ko sa mga bagay bagay. Sabi nga nila wag mong abusuhin ang sarili mo.

Pansin nyo hindi na ako nakakapagblog??? Hindi dahil sa busy ako, un eh dahil sa hindi na ako nakaka-open ng blogspot kaya nga nasa shoutpost na ako dahil inggit inggitan na ako at ayoko ng maging tagapagbasa.. pero

See... hindi ko na justify ung sasabihin ko. Isa lang yan sa maraming blogs na puro panimula lang ang nagagawa ko. Malamang sa malamang nito, magugulat na lang kayo kung isang araw eh magpost ako ng blog na ang title eh "PURO PANIMULA". Hehehe...

replace with my logo