Pilipinas! Here I come!!!

Ilang tulog na lang at muli ko na namang masisilayan ang bansa kung saan ako isinilang! Grabe!!! Excited na akong umuwi at makita ang mga mahal ko sa buhay, lalong lalo na ang:

- Cool kong Daddy at Joker kong Mommy

- Mga abnormal kong mga Kapatid

- Makulitz ngunit cute at matalino kong Anak

- Mga Pinsan kong patabain

- Mga tito at tita kong aning aning

- Mga lolo at lola kong bakasyonista

- At ang mga kamag-anak kong pasaways

Bukod don, muli ko na namang madadalaw si Pareng Mc Donald at ang 7/11 kong tindahan sa kanto. Masasakayan ko na ulit ang mga ordinary buses at jeepney na nakikipaggitgitan sa daan. Ang MRT at LRT na parang sardinas sa sikip at ang Metropolis at Festival Mall na naging pasyalan ko noong highschool pa ako.

Kasabay ng mga pagdalaw kong iyon ang pagkain sa kanto ng goto na ang laman eh bopis, Bake Macaroni at Pizza ng Greenwich, Siomai ng Henlin, ung hawflakes at cassava cake sa palengke, Rice in a Box sa SM at ung mga lako ng mga tindera sa labas ng bahay naming gaya ng turon, camote que, banana que, binatog, itlog ng pugo na kung tawagin naming eh tuknene, puto, kutsinta, suman at maraming marami pang iba!

Syempre, dadalawin ko rin si Lolo Uweng sa Landayan! Ilang taon ko na rin syang hindi na dalaw. At ang nakakalungkot pa don, noong 2005 na umuwi ako, hind ko man lang sya napuntahan (nagtago kasi ako non), at sana, hindi sya nagtatampo sa akin.

Tutal naroon na rin naman ako kina Lolo Uweng, pupuntahan ko na rin ang katapat nilang palengke-palengkehan. Baka this time, makabili na ako ng kasoy na noong panahon na nadadalaw ko si Lolo Uweng at pupunta kami sa palengke-palengkehan eh hanggang titig lang kami dahil wala kaming perang pangbili ng kasoy. :D

Hay... ilan lang yan sa mga gusto kong mangyari at gawin sa Pilipinas! Pero syempre, hindi lang naman pangsariling kagustuhan ko lang ang gagawin ko ngayong bakasyon ko. Madami dami din akong naka-planong gawin gaya ng:

- wala ng pahinga pahinga, ayusin kaagad ang dapat ayusin para sa kasal. Syempre, hindi naman un matatapos ng isang araw lang di ba?  Kailangan ng ilang araw para don.

- dalawin ang mga Prinicipal Sponsors at mga konektadong tao at lugar sa kasal. Pero syempre, alangan namang ako lang mag-isa ang pumunta at magpakilalang "ako po si zire", syempre hindi ganon. Kailangan nandon ang aking better half.

- maghahanap pa ako ng beautician na magaling para mag-ayos n g buhok ko. Papatrial pa kaya ako sa kanya.

- accessories sa kasal ko, singsing, bulaklak, kotse!!! Waaaahhh!!! May reception pa!!!

- aayusin ko passport ng aking uniko iho, ni mommy at ni daddy. Passport ko rin pala! Kung hindi ko makuha ngayon dito sa office at maayos.

- aayusin ko rin debut na kapatid ko

- magswi-swimming o mamamasyal

- mamimili ng gamit sa bahay at computer para sa mga kapatid ko.

- invitation na ang tagal tagal ko ng plinaplanong gawin dito (at sana di na umabot sa Pilipinas para gawin ko pa ulit)

May nakalimutan pa ako for sure at hindi ko na alam kung ano ano pa iyon! Sana po pagdating ko sa Pilipinas, magawa ko ang lahat ng ito...

replace with my logo