Don’t Fade Away - Acosta
2007-04-23
I used to sing this song for almost a week without me knowing the reason.
Don't Fade Away - Acosta
(And) I've been waiting here for you
Waiting for a sign from you
That I can't smile no more
Your voice doesn't sound so clear
We hope you'll be alright ...
(Father) Don't fade away from me
A friend so dear to me ...
And I don't mean to sound so sad
But if you only knew, I miss you so bad
We won't forget your life ...
I know it's gonna take time
But you will never be off my mind, oh no
I sit here crying many tears
But I wish you were still here ...
But at the end of this line... I just now realize that I am missing someone.
Yes, a "someone" who spends his (remaining) time with me. A time where he invested much feeling and shows me the true meaning of LOVING and CARING.
Now that he's gone, I wish he can feel and see me missing him... *sigh*
Itinerary
2007-04-22
Similar meanings:-
Grabe na ito!!! Di ko na kinakaya ang schedule ko ngayon kahit na ba hindi ganon ka-hectic eh still, kailangan pa rin ng oras at syempre, kailangan ko pa rin ng malaking oras para sa pagpapahinga!!!
Kahapon (Sabado) - Although nakapagpahinga ako ng Tanghali, eh sinagad naman kami ng Gabi!!! Naglipat kasi kami sa bago naming bahay, at kamusta naman sya ngayon??? Ayun, nagmistulang tambakan sya dahil sa di pa namin naayos ang lahat!
Ngayon (Linggo) - Anong gagawin ko??? Since, nagdaan na ang umaga, tanghali at hapon, walang naganap na paglilinis sa mga oras na un! Ewan ko ba! Plinano kong maglinis at magligpit pero tinamaan na naman ako ng sakit na "katam"! Kaya ayun, sa halip na umuwi sa bagong bahay, eh, dumeretso kami ni Jhing sa lumang bahay at doon namahinga.
Ngayong gabi, pupunta kami ng citicenter para bumili ng mga gamit sa kusina at doon narin maghapunan sa labas. (nakantahan kasi ako ng mahal kong asawang magpakain). I-try ko pa ring dumaan sa praktis ng cheering.
Bukas (Lunes) - Gusto ko sanang i-schedule ng practice ng volleyball pero baka buminggo na ako kay Nad kaya maglalaba na lang muna ako sa araw na ito. Mag-iimis ng dapat imisin, gaya ng kwarto at ang cr namin. Kung kaya ko pang mamalantsa, mamamalantsa ako para walang masabi si Nad sa akin.
Martes at Miyerkules - Since mukha namang matatapos ko ang gawain ko sa araw ng Lunes, i-ischedule ko naman ang practice ng volleyball. Syempre, baka sabihin naman nila, pinababayaan ko na Pamamalantsa naman ang aatupagin ko.
Huwebes - pahinga ko sana pero mukhang may gagawin pa ako. Kung hindi upper household, middle household eh baka umattend na lang ako ng practice ng cheering.
Biyernes - Early morning, pre-nuptial "photo shoot" ang unang unang gagawin namin, sabay derecho sa dubai sports center tapos derecho ulit sa pre-nuptial "photo shoot". Sana maihabol ko sa schedule ko ang lowerhousehold ng kumpleto kami.
Yan na lang muna para sa linggong ito.
Chao!
Pilipinas! Here I come!!!
2007-04-21
Ilang tulog na lang at muli ko na namang masisilayan ang bansa kung saan ako isinilang! Grabe!!! Excited na akong umuwi at makita ang mga mahal ko sa buhay, lalong lalo na ang:
- Cool kong Daddy at Joker kong Mommy
- Mga abnormal kong mga Kapatid
- Makulitz ngunit cute at matalino kong Anak
- Mga Pinsan kong patabain
- Mga tito at tita kong aning aning
- Mga lolo at lola kong bakasyonista
- At ang mga kamag-anak kong pasaways
Bukod don, muli ko na namang madadalaw si Pareng Mc Donald at ang 7/11 kong tindahan sa kanto. Masasakayan ko na ulit ang mga ordinary buses at jeepney na nakikipaggitgitan sa daan. Ang MRT at LRT na parang sardinas sa sikip at ang Metropolis at Festival Mall na naging pasyalan ko noong highschool pa ako.
Kasabay ng mga pagdalaw kong iyon ang pagkain sa kanto ng goto na ang laman eh bopis, Bake Macaroni at Pizza ng Greenwich, Siomai ng Henlin, ung hawflakes at cassava cake sa palengke, Rice in a Box sa SM at ung mga lako ng mga tindera sa labas ng bahay naming gaya ng turon, camote que, banana que, binatog, itlog ng pugo na kung tawagin naming eh tuknene, puto, kutsinta, suman at maraming marami pang iba!
Syempre, dadalawin ko rin si Lolo Uweng sa Landayan! Ilang taon ko na rin syang hindi na dalaw. At ang nakakalungkot pa don, noong 2005 na umuwi ako, hind ko man lang sya napuntahan (nagtago kasi ako non), at sana, hindi sya nagtatampo sa akin.
Tutal naroon na rin naman ako kina Lolo Uweng, pupuntahan ko na rin ang katapat nilang palengke-palengkehan. Baka this time, makabili na ako ng kasoy na noong panahon na nadadalaw ko si Lolo Uweng at pupunta kami sa palengke-palengkehan eh hanggang titig lang kami dahil wala kaming perang pangbili ng kasoy. :D
Hay... ilan lang yan sa mga gusto kong mangyari at gawin sa Pilipinas! Pero syempre, hindi lang naman pangsariling kagustuhan ko lang ang gagawin ko ngayong bakasyon ko. Madami dami din akong naka-planong gawin gaya ng:
- wala ng pahinga pahinga, ayusin kaagad ang dapat ayusin para sa kasal. Syempre, hindi naman un matatapos ng isang araw lang di ba? Kailangan ng ilang araw para don.
- dalawin ang mga Prinicipal Sponsors at mga konektadong tao at lugar sa kasal. Pero syempre, alangan namang ako lang mag-isa ang pumunta at magpakilalang "ako po si zire", syempre hindi ganon. Kailangan nandon ang aking better half.
- maghahanap pa ako ng beautician na magaling para mag-ayos n g buhok ko. Papatrial pa kaya ako sa kanya.
- accessories sa kasal ko, singsing, bulaklak, kotse!!! Waaaahhh!!! May reception pa!!!
- aayusin ko passport ng aking uniko iho, ni mommy at ni daddy. Passport ko rin pala! Kung hindi ko makuha ngayon dito sa office at maayos.
- aayusin ko rin debut na kapatid ko
- magswi-swimming o mamamasyal
- mamimili ng gamit sa bahay at computer para sa mga kapatid ko.
- invitation na ang tagal tagal ko ng plinaplanong gawin dito (at sana di na umabot sa Pilipinas para gawin ko pa ulit)
May nakalimutan pa ako for sure at hindi ko na alam kung ano ano pa iyon! Sana po pagdating ko sa Pilipinas, magawa ko ang lahat ng ito...
- Minsan -
2007-04-21
minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo
chorus
ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya
repeat chorus
minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan baka
ikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
It's just been a day ago but I already missing you. Ikaw kasi eh! You invested feelings in our friendship kaya yan tuloy, I already missing you and our "kulitans".
Sana friend okay ka lang kung san ka man naroroon. Dito lang ako if you need someone to talk to. Miss you! 
Bakit nga kaya???
2007-04-19
Kakatapos ko lang magbasa ng blog ngayon ng aking kaibigang abogado at sa pangalawa sa huli nyang sinulat eh naka-relate ako.
Dati rin akong "feeling" manunulat at madalas pa nga, gusto ko sa aking mga sinusulat eh nag-ra-rhyme. Masaya rin akong nagsusulat at natutuwa akong makitang sa loob ng isang bwan eh sobra pa sa araw ang mga nasusulat ko.
Ngayon, pang-ilan na sa mga sulatin ko ang blog na ito... ilang beses na akong nagsusulat pero pawing panimula lang ang nagagawa ko. Wala pa sa kalagitnaan ng gusto kong tukuyin eh tinatamad na akong ipagpatuloy ito. Gaya nito...
...Busy Sked...
Bawat blog na mabasa ko eh lahat sila busy sa sked nila.. ako kaya kelan mabi-busy sa buhay? Well, actually, busy rin naman ako pero di ko sinasagad ang oras ko sa mga bagay bagay. Sabi nga nila wag mong abusuhin ang sarili mo.
Pansin nyo hindi na ako nakakapagblog??? Hindi dahil sa busy ako, un eh dahil sa hindi na ako nakaka-open ng blogspot kaya nga nasa shoutpost na ako dahil inggit inggitan na ako at ayoko ng maging tagapagbasa.. pero
See... hindi ko na justify ung sasabihin ko. Isa lang yan sa maraming blogs na puro panimula lang ang nagagawa ko. Malamang sa malamang nito, magugulat na lang kayo kung isang araw eh magpost ako ng blog na ang title eh "PURO PANIMULA". Hehehe...
...Lipat Bahay...
2007-04-19
Halos isang bwan na rin akong nanahimik sa aking pamamahay at ngayon, eto, sa unang blog ko sa bwan ng abril eh panibagong blog site na naman ang ginawa ko. Hay... sumasabay ata ang blog kong ito sa kaganapan ng buhay ko.
Sa Sabado o sabihin na nating Linggo, lilipat na kami ng flat. Oo, "FLAT". Flat na kung saan eh masasabi na naming bahay. Kahit na ba ang hall eh ginawa naming bedspace, eh masasabi pa rin naming bahay na un dahil alam naming magiging komportable na kami don.
Kasabay ng paglipat bahay namin ang lipat blog ko (obvious naman di ba? Dahil naka-shoutpost ako ngayon!) From Friendster blog to Blog Drive (na hindi ko masyadong binigyan pansin) to Blog Spot (dahil gusto kong maiba at ngayon eh kakaiba na nga sya dahil hindi na ako maka-log in) at ngayon ang Shout post (na sana gaya ng panalangin ko sa bahay namin eh doon na kami talaga).
Kaya sa mga mahal kong taga-hanga, dito ko na lamang itutuloy ang aking munting pangarap bilang manunulat. Nawa'y mag-enjoy kayo! 
