A Toast for You!!!
2007-06-27
Ilang taon na rin ang nakakalipas at ilang taon na rin sinubukan ng panahon ang pagiging magkaibigan namin. Sa dami ng kaibigang nagdaan sa akin, masasabi kong "sila" ang kasa-kasangga ko sa lahat! Ilang tawanan na rin ang napagdaanan namin at ilang luha na rin ang nabuhos namin pero andito pa rin kami, magkakasama. Subok na ng panahon!
Syempre, sa mga ganitong klaseng pagkakaibigan, di naman mawawala ang tampuhan! Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng tampuhan pero salamat sa Diyos dahil hindi nya hinayaang mabago ng mga tampuhang iyon ang mga pagsasama namin.
Mommy Jho - ang pinakamadaldal naming ina.. kanino pa ba kami magmamana ng kapasawayan kundi sa iyo lang naman di ba? Maraming salamat sa mga oras na nilaan mo sa akin, sa mga panahong kailangan ko ng taong makikinig sa akin at sa mga panahong sobra akong nagdadalumhati. Salamat sa pasensya at tyagang inilaan mo sa akin noong panahong nag-o-automatic shutdown ako. Salamat sa pag-iintindi at pag-aalaga sa akin. Mame, salamat.. salamat.. love you!
Mama Che - ang red ballpen ng grupo. Ma, kahit nawawala wala ka na sa grupo dahil sa sobrang busy mo na sa trabaho at sa SFC, salamat. Salamat dahil sa isang twag ko lang, ano man ang ginagawa mo, sure akong makikinig ka sa pagsusumbong ko at pag iinarte ko. Mama, miss you na.. Miss ko na rin ang mga nagdaang kasiyahan ng grupong kasama ka. I love you mama.
Ati Ying at Ate Yong - ang aming "kabute".. sa mga advices na nabibigay nyo sa grupo, sa bawat salitang nabibitawan nyo, maraming salamat!
Bunso Thea - the youngest one. Bunso!!! Musta ka na jan? Miss na kita. Miss ko na lambing mo sa akin. Miss ko na ung pagtawag mo para humingi ng advise at kung ano ano pa. Miss ko na ang accent mo! Miss ko na ung mga kalokohan natin. Hay.. it is simply sobrang miss lang kita. Ingat ka palagi jan bunso, miss you.
Kapatid na Lee - the sensitive one.. kapatid! Tila di tayo pinaghihiwalay ng tadhana.. pero kahit magkasama tayo sa Upper, nagpapasalamat akong ikaw ang aalalay sa akin pagdating ng panahon... Salamat at hindi mo ko iniwan ng tuluyan sa ere noong panahon sinusubok tayo ng tadhana. Maraming salamat sa mga advices, sa pakikinig at kahit "minsan" talagang hindi magtugma ang pananaw natin. Salamat. Ingatan mo ang mga anak ko, na ngayon ay anak na natin at sa susunod ay magiging anak mo na lang. Ipagpatuloy mo ang paglilingokod sa "KANYA" na nagbigay sa atin nang pagkakataong magkasama tayo at makilala ang isa't isa. Ingat sis! Labs u!
Anak - Ate Gina - ang "clown" ng barkada... Ni minsan, di ko nakitaang umiyak ang taong ito pero sa unang pagkakataon, ako lang pala ang makakapagpaluha sa kanya. Kaya nga di ko ito makalimut-limutan! Salamat sa mga stories mong nakakatawa, salamat sa mga late reactions mo at salamat sa pagshe-share mo ng kung ano ano. Salamat din dahil isa ako sa mga taong napagsasabihan mo ng hinanakit mo sa mundo. Salamat salamat. Salamat kasi kahit hndi ako kasama sa mga special persons sa buhay mo eh palagi kang nanjan para pawiin ang kalungkutan ko. Salamat sa mga conclusions na napagsasaluhan natin at salamat sa pagsalo ng mga pang-aasar ko sayo. Sarap mo kasing asarin at lambingin.Love you po! Mwah!
At ang huli, sa aking magiging pinsan, Elie - the "crying lady".. Kamusta ka naman? Im sure happy ka naman sa buhay kahit patuloy ka pa ring sinusubok ng pagkakataon. Masaya akong makita kang masaya higit pa sa inaakala ko. Masaya akong nakilala kita at masaya akong nakasama kita. Si Elie na yata ang masasabi kong pinakamalapit na tao sa buhay ko na kahit kaduluduluhan ng kuko ko eh alam nya. Sa tagal na inilagi ko sa lugar na ito, sya ang bukod tanging nakakakilala sa kung sino ako. Ang nakakaalam ng pagkatao ko at mga pinagdaanan ko sa buhay. Salamat dahil hanggang ngayon ay nandyan ka parin sa tabi ko (kahit di ka binigyan ni gina ng pagkakataong makahiga sa kama gaya ng napag-usapan). Maraming salamat sa malalim na pag-iintindi at pag-uunawa sa mga kapasawayan ko. Maraming salamat sa luha at tawanan na ating napagsaluhan. Salamat! Salamat! At kahit masyado akong excited sa birthday mo at sa ilang taon nating pagiging magkaibigan eh hanggang ngayon eh nako-confuse pa rin ako, eh, lovee na love kita (di nga lang halata.. hehehe.. wak ikaw galit ha! Churi .. churi.. confuse lang talaga ako! Mwah! Mwah! Peace na tayo!)
Sa ORIGINAL HOUSEHOLD KO, maraming salamat sa inyo. Miss ko na kayo kaya ako nakapagsulat ng ganito. MISS ko na ang mga panahong magkakasama tayong nagpupuyat, nagko-coffee, at nagkwekwentuhan. Miss ko na ang laglagan natin at asaran natin. Ang mga kaibigan kong alam kong thru thick and thin eh di ako iiwanan sa ere. Miss ko na talaga kayo..

Kamusta???
2007-06-27
Pano ko ba sisimulan ang blog kong ito? Sa dami ng mga ideang pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko at kung pano ko sisimulan.
Hay.. Dahil wala na naman si Amo, eto ako, nagbabasa ng sarili kong blog! Marami rami na rin pala ang naisulat ko... at marami rami na rin pala ang mga kwentong naishare ko sa inyo.
Well, dahil sa pagbabasa ko, ang dami ko palang gustong isulat. Ang dami ko ring gustong sabihin.
Ilang years na nga ba ako dito sa Dubai??? 4 years??? Hmmm... Oo! 4 years na nga ako! Pero, kamusta naman ako matapos ang apat na taon?
Well, still alive and kicking pero hindi pa rin ako ganon ka-successful sa carreer. But nweiz, im still thankful dahil may job ako, aiyt???
So ano nga ba ako matapos ang 4 years??? Hmmm... Isa na akong Active Member ng Singles for Christ and serving them for almost 2 years. Isa na akong Household Leader and soon, magiging member na rin ng Couples for Christ.
Sa work, ako pa rin naman ung Corporate Secretary ng General Manager ng Redha Al Ansari Exchange Est. and after 4 months, eh iiwan ko na rin sila dahil akong magbabalik estudyante na ulit! Taking up AUTOCAD (I don't know which version), Primavera, 3D Max and Photoshop Advance. Bakit??? Kasi gusto ko ng magpalit ng linya! Kahit man lang designer. Sa mundong ito, lahat namn pedeng pag-aralan pedeng matutununan. Meron nga dib a, nursing graduate pero sa sales sila! Iba naman, care giver ang course pero secretary. Di mo naman alam kung anong mangyayari sa buhay mo, kaya nga may salitang "aral" para pag-aralan ang lahat.
Sa buhay, well, eto isa na nga akong MRS. DAN TORRES.. At soon magiging ina ng maraming anak! Sabi kasi nung nag conduct ng pre-cana namin, "kung ilan ang ibigay sa inyo ng Panginoon, tanggapin nyo. "Sya" ang nagplaplano sa buhay natin, hindi tayo". Well, AMEN TO THAT! Planado na kasi ang buhay natin nasa sa atin na lng kung sa paanong paraan natin tatanggapin.
Sa pag-iisip, hay! I can say na emotional pa rin ako pero more tough and more matured! Sabi nga sa akin nila lilai, "Titang Tita" na raw ang dating ko kapag nag-aadvice o kaya nag sasalita. (Tita kasi tawag namin sa mga Couples for Christ) Well, saka nyo na lang akong tawaging TITA kapag active member na ako ng Couples for Christ at iniwan ko ng tutluyan ang Singles for Christ (for sure, kahit sa panaginip nyo, di ko pa rin iiwan ang Singles!!! Kaya never nyo kong matatawag na tita, unless na lang kung pati kayo nasa Couples na at ibang batch na ng Singles ang tatawag sa akin).
Hayyy.. parang bitin ang blog kong ito, wala kasi sa hulog ang isip ko dahil ilang beses akong naiistorbo ng trabaho ko! (hehehe... sabi ko na nga ba eh! Mag freelance na lang ako! Hmmm, di bale malapit nay un!!!)
Nwei, sa susunod na wento ulit! Dami ksing nasa utak ko at hindi ko na alam kung pano ko pakakawalan ang mga topics o ideyang nasa utak ko. Pahinga muna, mamaya ulit!
God Bless!!!
Perrier - DRINK RECOMMENDATIONS
2007-06-26
Ted Allen, the food and wine specialist for Bravo's television show Queer Eye for the Straight Guy developed six signature seasonal non-alcoholic drinks that incorporated sparkling Perrier bottled water.
Perrier Mimosa
1 1/2 cups Perrier, chilled
1/2 cup freshly squeezed orange juice, chilled 4 fresh raspberries or 4 frozen grapes
Method: Divide the orange juice between two champagne flutes and top with Perrier. Garnish with two raspberries in each glass.
The Garnet
2 ounces pomegranate juice
6 ounces Perrier
One cube of frozen orange juice
Four sprigs of mint
Method: Crush one sprig of mint in each of two rocks glasses. Add pomegranate juice and orange-juice cube. Top with Perrier and garnish with additional sprig of mint.
Chai Chiller
One cup strong Chai tea made with Perrier (black tea with cardamom, cinnamon, ginger, black pepper, cloves, and star anise).
1 Tablespoon sugar, or to taste
Two cups chilled Perrier
Slice of lemon
Method: Brew a cup of tea according to package directions. Add sugar to hot tea; blend. Chill completely. Divide between two highball glasses, and top with one cup Perrier each. Garnish with lemon slice.
Perrier - The History
2007-06-26

Country of Origin: France
Region: Southern France
Place Name: Vergeze
Established: 1863
Perrier became an intrinsic part of an active, healthy American lifestyle in the late 1970's. Thanks to the marketing efforts of Nestlé Waters North America Inc., social drinkers started ordering Perrier instead of a cocktail or soft drink. The brand's popularity grew as a refreshing, all-natural, calorie-free alternative beverage.
Imported in the U.S. since the turn of the century, Perrier was first bottled in Vergeze, in the south of France, in 1863. Perrier continues to be bottled at the original source in Vergeze. In April 1985, Perrier with A Twist of natural lemon, lime, or orange flavor (all calorie-free) was introduced in the U.S. These well-liked flavor varieties helped revolutionize natural beverage refreshment.
One of the frequently asked questions of Perrier is, "Is it naturally carbonated." Perrier responds: "One of Perrier's most distinguishing attributes is its carbonation, which comes from a naturally occurring source found deep beneath the spring. This begins as volcanic gases, trapped within the geologic strata. Originally, these natural gases met and mingled together with the spring underground, rising at a constant pressure and temperature (60 degrees Fahrenheit). Up through the last century, in fact, they formed a cool, bubbling pool ("Les Bouillens") in which locals and health-seekers often bathed. "A desire for consistency, plus Perrier's growing public demand as an international beverage, led French scientists to devise a more efficient means to capture the water's perfect balance of minerals and carbonation in the bottling process. Both the water and natural carbonic gas are now captured independently. They come from isolated points at different depths, within the same geologic formation. Before they come together for bottling, a filter is used to remove any natural impurities in the gas. "Once combined in the bottling process, the level of carbonation found in a Perrier bottle is exactly as it is at the spring."
Related Link: Ang Version ko ng Perrier
Videoke ng Hunter X Hunter
2007-06-25
Masyado atang maaga si Amo ngayon?? Buti na lang kahit late ley-tan ang drama ko, eh nauna pa rin ako kay Amo... Hmmm, pano ba naman kasi, anong oras na rin ako natulog dahil sa activities na ginawa namin kagabi!
Ang galing talaga ni Lord! Magtiwala ka lang sa kanya, ibibigay nya sayo kung ano mang kahilingan mo. Parang kung anong nangyari sa akin kagabi. Before this blog, I was so down and feeling empty, thinking that no one's waiting for me at home, pero ng dahil sa prayer ko, hindi natuloy ang lakad nung isa sa mga kaibigan ko. Bonus pa ni Lord sa akin, ung gusto kong makasama ang iniwan nya sa akin. Bakit sya? Kasi alam kong wala akong lungkot na mararamdaman pag sya ang kasama ko. Well, talent na nya ata un (joke!). Actually lahat naman sila, syempre, gusto kong makasama, pero sa mga oras na un, mas gusto kong kasama sya dahil kung ung isa ang iiwan sa akin ni Lord, nakush! Baka mag-emote kami parehas. Sa mga pagkakataon na gusto mong mag-emote, "sya" ung tamang tao para don pero kung ayaw mong mag-emote at gusto mong makalimot sa mga lungkot na nararamdaman mo, the "other sya" naman ang dapat.
Oh well, ang bilis ng response ni Lord di ba? At dahil nga sa walang lakad ang aking "friendship", well, ayun, umuwi na ako. Pagdating sa bahay, sinamahan nya kming kumain ng masarap na sopas na luto ni "soon to be my couz".
Habang nagkwe-kwentuhan, nag-iisip kami kung anong mga planong gagawin namin after kong kumain, hanggang sa mai-open nya ang isang kwento na kung saan eh nakakarelate ako. Naging biktima din sya ng matalas na pananalita pero syempre, depensa ko naman agad kay friendship na di nya kasalanan kung ganon man sya ka "attractive" di ba? Kasama non eh ang ibat iba pang pambobola (hehehe, joke!). Hanggang sa napag-usapan naming ung mga bagay bagay regarding sa isa naming ka-sis na napromote. We came up to one generalization..
"We don't have the right to ask HIM why.. Coz He's doing and giving us what we only asked. Sometimes, in our prayer, we used to pray our hearts desire, but what we are not aware of is that our heart desire is to give whatever prayer or heart's desire of others.
If we want to have the same blessings as what others have, all we need is to ask HIM. Huge but be specific."
Magulo ba??? Basta! Kung ano mang lesson ng nangyari kagabi, well, kami na ni friendship ang nagkakaintindihan don! Hehehe.
Galing talaga. Now I know why God let me feel that kind of emptiness or sadness, para marealize ko kung anong kulang at kung anong mali ko. It is really, EVERYTHING HAS ITS OWN REASON.
Bakit Videoke ng Hunter X Hunter ang title nito? Kasi after naming marealize ang mga mali naming, nag-videoke kami, sabay nood ng hunter x hunter. Ganda di b?
You Know Better Than I
2007-06-24
by Y And T
I thought I did what's right
I thought I had the answers
I thought I choose the surest road
But that road brought me here
So i put up a fight
And told you how to help me
Now just when i have given up
The truth is coming clear
Chorus 1:
You know better than i
You know the way
I've let go the need to know why
For You know better than I
If this has been a test
I cannot see the reason
But maybe knowing
I don't know is part of getting through
I tried to do what's best
But faith has made it easy
To see the best thing i can do
Is to put my trust in You.
Chorus 2
For, You know better than i
You know the way
I've let go the need to know why
For You know better than I
Coda:
I saw one cloud and thought it was a sky
I saw a bird and thought that i could follow
But it was You who taught that bird to fly
If i let You reach me
Will You teach me.
(Repeat Chorus )
For, You know better than i
You know the way
I've let go the need to know why
I'll take what answers you supply
You know better than I
A Prayer..
2007-06-24
Lord,
Alam ko po na ang lahat ng kaganapan sa buhay ko ngayong araw na ito ay may mga kadahilanan. Kung bakit kinailangan ko ihinto ang isang bagay. Kung bakit wala si Dan dito. Kung bakit eto ang benefits na nakukuha ko at kung bakit ako naiinis.
Alam ko po na ang lahat ng ito ay para rin sa magandang planong inihahanda nyo sa akin.
Lord, tulungan nyo po akong maging mapagpasensya. Tulungan nyo po akong makuntento kung sa anong blessings na meron ako na nagmula sa inyo, iienjoy ito at magpasalamat dahil binigyan nyo ako ng mga blessings na ito. Tulungan nyo po akong matutong maghintay at hwag mag madali.
Lord, tulungan nyo po akong alisin ang mga maling nararamdaman ko ngayong araw na ito, at tulungan nyo po akong maging masaya at huwag manglumo sa mga oras na ito.
Panginoon, ang lahat ng ito ay itinataas ko sa inyo.
Maraming salamat po.
Amen.
*** Sigh ni Zire ***
2007-06-24
Bakit kaya ganito ang pakiramdam ko ngayong araw na ito? I feel so empty, drained, bare, exhausted at kung ano ano pang similar or synonyms ng mga salitang yan.
I hate myself whenever I feel this way. Pakiramdam ko, I wasn't blessed at masyado akong nagseself pity, which is I know MALI kaya nga ayoko ng ganitong feeling.
Masyado ko na namang kasing minamaliit ang sarili ko, knowing na dati, to the highest level ang confidence ko. Dami kasing naka-apekto sa buhay ko ngayong araw na ito.
Una, gaya ng nasabi ko sa blog kong ito, wala kasi si Dan, tapos wala rin sila Gina at Lei sa bahay kaya wala akong aabutan sa bahay.
Pangalawa, di naman lingid sa inyo kung anong hirap ang pinagdadaanan ko sa trabaho ko. Im working for almost 3 years in this company pero until now, wala paring growth ung career ko, kaya nga nag-hahanap ako ng work that can compesate my needs di ba. Tapos malalaman mo, ung friend mo, na kakalipat lang ng company, eh may increase na at ang malupit pa non, mas mataas pa sa sahod ko ang sahod nya. I know, I should be happy and thankful for her coz finally, she's gaining a right salary and sabi ko nga kanina, she deserves it.
Pero sorry ha, alam kong mali nga eh pero di ko maiwasang huwag mainggit. Nanglulumo kc ako for that news kasi nga ang tagal tagal ko na pero ung mga benefits na nakukuha ko eh walang pinagbago. Di ko talaga maiwasang wag i-compare. Although, blessed naman ako sa asawa ko kasi he has all the benefits naman kaya lang syempre, iba pa rin kung ikaw mismo ang kumikita di ba?
Pangatlo, hay.. dahil sa wala akong magawa ditto sa office, nagview ako ng nagview sa friendster friends ko. Until I came up to one profile na talagang ikinagulat ko. Actually, not the profile itself but what the comment is. Nainis ako kasi until now, di pa rin "sya" nagbago. She still the same girl that I've known.
By the way, I made a tough decision ngayon (tough nga ba? O tama lang na itigil ko na dahil hindi na healthy!). Well, I just hope di ko na gawin un just to get other information.
Eto nga lang ba??? Alam ko marami pa pero cant find enough words to explain how I feel right now.
*** Sigh ***
Sluggish Monday
2007-06-18
Hay.. Its been exactly 2 hours and 14 minutes na akong nakatunganga sa harap ng PC. Kung sa Technical Words, well, "IDLE". Ewan ko, pero ilang araw na rin ang lumilipas at wala paring pumapasok sa isip ko na kahit anong story o blog na pedeng gawin.
Yesterday night, sabi ko sa asawa ko, gusto ko ng magbitaw sa trabaho dahil sobrang napapagod na ako. Tinanong nya ako kung ano namang gagawin ko kapag nagresign ako. Mabilis pa sa isang sigundo ang sagot ko na gagawa na lang ako ng story o libro gaya ng pocket books. Tinawanan nya lang ako, sabay tanong kung sino namang magbabasa ng sinulat ko. Syempre, sagot agad ako, "Si Gina... For sure sya yung kaunaunahang makakabasa ng mga sulatin ko at kaunaunahang fan ko." Nangiti lang ang asawa ko sa sagot ko, akala siguro nagbibiro ako. Pero ang totoo, seryoso ako! Magkaron lang siguro ako ng sarili kong laptop o kahit desktop na lang, malamang makakagawa talaga ako ng sarili kong nobela out of different experience sa love, family, friendship or anything under the sun.
Teka, baka makalimutan kong i-justified why I mentioned Gina's name. Well, of all of my friends na meron ako, "sya" lang yung bukod tanging nag-tatanong ng update ko sa pagsusulat. Sya lang ang nakaka-appreciate ng mga sinusulat ko (well may iba ring nakaka-appreciate but of course, sa lahat, sya yung pinaka). At ang pinaka-malupit pa don, sa aming lahat, sya lang yung may time magsulat at magbasa, kaya for sure, kahit papaano may kikitain pa rin ako. (Meron nga ba??? O baka mapunta sa kanya ung copyrights ng sinulat ko?? Waaaahhhh!!! Labo!! Mukhang tatagilid pa huh?)
Ah basta! Kung maging Freelancer man ako, siguro papasukin ko ung pagiging writer at kakaririn ko un!
Bakit Sluggish Monday??? Wala lang! Tinatamad kasi ako eh..
Summer Vacation
2007-06-10
Ano na nga bang nangyari sa aking "Summer Vacation"??? Nagawa ko nga ba ang dapat kong gawin? Hmmm... Let's check...
Meeting my Parents, Brothers and Sisters, Relatives, Cousins, my Grandparents and MY SON - done!
Visiting Pareng Mc Do and my 7/11 Store - done!
Eating Goto with Bopis - undone... baked mac and pizza of greenwhich - done! Siomai ng Henlin - done! Hawflakes - undone... and cassava cake - done! Rice in a Box - done! Turon, banana que, binatog, kutsinta, suman - undone... camote que "camote fries", itlog ng pugo na kung tawagin naming eh tuknene, puto - done!
Visiting Lolo Uweng - undone... Buying kasoy - undone...
Taking ordinary bus - undone but I took airconditioned bus (ang init kasi eh)! Riding MRT and LRT - done!
Well, madami dami din pala akong na-accomplish during my vacation. Idagdag pa natin ang sumusunod...
Renewal of my passport, passport of angel, poea of me and dan
Syempre, ang kasal namin, di naman kami makakasal kung di namin natapos ito di ba?
Debut ng kapatid ko
Mga gamit sa bahay - well, nabili ko naman ung iba
Computer - hmmm... hindi pa! Mag papadala pa ako for that!
Gimik naming like swimming, outing, eating with the whole family... well, isa lang ang natupad don with my family, selades family, un eh ang kumain kami sa labas. It is mothers day nung kumain kami noh! Kaya mega libre namin si mommy. And the swimming part naman, don naman sa side ng hubby ko naganap un.
Dami pang magandang alaala noong Summer Vacation ko at di ko ito makakalimutan as lahat ng masayang alaala, nasa Bwan ng Bakasyon ko ito.
Blog Hopping
2007-06-09
I just finished blog hopping at ang dami ko na palang namissed sa mundong ginagalawan ko. Pero hindi iyon ang paksa sa blog kong ito.
Ilang blogs na rin ang nadalaw ko at ilang blogs na rin ang nag caught ng attention ko. Aside from their topics, well, I admire their blog skin as well. Sa ilang taon kong pagiging blogger, well masasabi ko ring madaming blogs na rin ang pinanggalingan ko and I cant find a blog na alam kong masasatisfied ako.
Nagsimula ako sa "Friendster Blog". Sabi ko satisfied na ako sa "bahay" kong iyon pero "parang" may kung anong kumurot sa akin at nagsabing "lumipat" na ako. So I tried to change my home to "Blog Drive" pero hanggang simula lang ako! Di ko rin pinagpatuloy. It is simply because, tinamaan ako ng katam sa katawan. Haha!
So, Im still stuck with Friendster Blog... pero di rin nagtagal... lumipat na rin ako.. pero di sa blog drive... sa Blog Spot! Why kasi before ang narerecognize lang naming blog engine is Blog Drive at Blog Spot, and most of my closest friends use blog drive, at konti lang ang gumagamit ng blog spot. So para maiba, sa Blog Spot ako tumuloy.
Smooth ang pamamahay ko sa blogspot pero may iilang gusto pa rin ako na gusto kong ilagay sa bahay kong ‘yon. Pero ok lang, sabi ko. The simpler, the better.
Akala ko, dito na ako mamamalagi habang nagsusulat ako, hindi pa rin pala. Hindi dahil sa ayoko ng environment, it is just ang hirap ng maka-access sa environment nila from wer I am right now. Noon nasosolusyunan ko pa, dahil "computer lang sila at ako tao ako" pero nang tumagal parang "tao" na ata ang kalaban ko dahil nakuha nilang sirain ang track ng mga taga rito para di maka-acces sa blog na un. Of all the blog site, un pa ang shinutdown nila! Kaya ang kawawang ako, eto naglipat nanaman ng bahay. At dahil sa kagustuhan kong maiba sa mga friends ko, eto ko ngayon, nagtyatyagang gumagamit ng Shoutpost! Working environment is ok the only thing that I don't have is the chat box! Di ko maipost kasi di puede. But if I really wanted to have that chat box, oh well, change the skin at hindi naman ako makakapayag non dahil sa sobrang pangit ng pagpipilian ko. Sorry pero nagsasabi lang po ako ng totoo. At hindi naman ako katulad ni Pareng Kukote na magaling sa codes. Hay...
As of now, hindi na ako makaalis sa mundo ng shoutpost dahil ayoko ng maghanap ng blogsite, bukod sa bisi-bisihan ang drama ko dito sa work, well, ako rin ay di hamak na dial up lamang! Di bala, once I got resign from this company, for sure, magfofocus ako sa pagdedesenyo ng blog ko! Joke! Maasikaso ko na rin somehow ang blog ko.
Being a Wife...
2007-06-04
It's already been 10 days passed after I got married and being tagged as a "better half" or commonly known as a "wife".
Honestly, 10 days is a short period of time for me to adjust myself and to act as "Mrs. Zire Torres". Until now, I am still on the stage of taking in that I am now acting as a 1 body but 2 individual inside.
Facing a new chapter of my life and convincing myself that I am already a "wife", well, is not an easy job especially if I am used to act and thinking of my own self. *sigh*
No one tells me what future brings me when I got married. I thought nothing will be change after exchanging our vows except that our relationship was blessed by God and bind by the Holy Spirit.
But now, I came to realized that everything will be changed. After 10 days of being a "Wife", well, there should be changes to do in "my life" and in "my world".
I am no more individual acting as one but I am an individual acting as two persons.
I cannot decide for myself only but I have to confide it with my husband.
I cannot think for myself only but I have to think with my better half as well.
I cannot be lazier now coz I have a responsibility with my hubby already...
*sigh*. Those were the things that I can think of (as of now) that I should be right now.